Google

Sunday, March 30, 2008

GABBY CONCEPCION....Kapamilya Na!!!



Yes, he's back at isa na syang kapamilya.

Gwapong-gwapo pa rin ang dating matinee idol ng bayan. Halos hindi magkamayaw ang mga tao sa studio ng The Buzz ng mag guest ang actor. At sa kanyang muling pagbabalik sa mundo ng showbiz, muli syang magpapamalas ng galing sa pagarte sa mga show na gagawin nya sa abs-cbn. Balita ko ang mga naka line-up na project ni Gabby ay ang Maalaala mo Kaya, 2 teleserye at isang Pelikula.

Wish ko lang na sana isa man lang sa gagawin nyang project ay makasama naman niya si Sharon Cuneta at ang kanyang anak na si KC.

Saturday, March 29, 2008

MYX MUSIC AWARD 2008 WINNERS!

Eto ang list ng mga nanalo sa katatapos na Myx Music Award last March 28....

FAVORITE MUSIC VIDEO - “TULIRO” by SPONGECOLA
FAVORITE ARTIST - SARAH GERONIMO
FAVORITE MALE ARTIST - ERIK SANTOS
FAVORITE FEMALE ARTIST - SARAH GERONIMO
FAVORITE GROUP - SPONGECOLA
FAVORITE ROCK VIDEO - "VAMPIRE SOCIAL CLUB" by CHICOSHI
FAVORITE MELLOW VIDEO - “ALAM NG ATING MGA PUSO” by RACHELLE ANN GO
FAVORITE URBAN VIDEO - “LIKE THAT” by BILLY CRAWFORD
FAVORITE COLLABORATION - “PAG-IBIG NA KAYA” by RACHELLE ANN GO and CHRISTIAN BAUTISTA
FAVORITE REMAKE - “LOVE WILL LEAD YOU BACK” by KYLA
FAVORITE NEW ARTIST - SAM CONCEPCION
FAVORITE INDIE ARTIST - UP DHARMA DOWN
FAVORITE INTERNATIONAL MUSIC VIDEO - “TEENAGERS” by MY CHEMICAL ROMANCE
FAVORITE GUEST APPEARANCE IN A MUSIC VIDEO - KIM AND GERALD (LOVETEAM by ITCHYWORMS)
FAVORITE MYX GUEST CELEBRITY VJ - SARAH GERONIMO
FAVORITE MEDIA SOUNDTRACK - “TULOY PA RIN” by SPONGECOLA (PEDRO PENDUKO AT ANG MGA ENGKANTAO)
FAVORITE MYX LIVE PERFORMANCE - PUPIL
FAVORITE MYX BANDARITO PERFORMANCE - ZELLE
MYX MAGNA AWARD - GARY VALENCIANO
SPECIAL CITATION - ARNEL PINEDA a.k.a. APL DE AP

Congrats sa mga nanalo...Congrats din sa mga fans na bumoto sa kanilang mga idolo!!!

Thursday, March 27, 2008

JON AVILA...Ang bagong superhero ng bayan!



Hindi lang siya superhero....super gwapo pa!!!

Ok lang kung di siya ang pinili ni Mariel, hindi siya kawalan noh! Don't worry Papa Jon madami pa kami.

Grabe, miss ko na siya sa tv....Buti na lang may bago na siyang comedy-adventure show, ang Kapitan Boom. Ang balita ko mag start na ito sa April.

Kaso nga lang napanood ko sa TV Patrol yun pictorial nila, parang di ata maganda yun costume niya. Well, sabagay comedy show nga e.

Pero agree ako ha, na kahawig nya ang superman ng US....di ba?

PRISCILLA....The Deaf Dreamer Housemate!

Bilib talaga ako kay housemate Priscilla. Sa kabila ng pagkakaroon niya ng hearing problem ay buong tapang niyang hinaharap ang mga hamon hindi lang sa loob ng bahay ni kuya kundi maging nuong nasa labas pa siya ng bahay. First runner up pala sa Miss Teen International 2007 ang 17 years old na Davao beauty na ito.


Marami na rin sa mga televiewer ng PBB teen edition plus ang humahanga sa kanyang determinasyon na makipag- communicate sa kanyang mga housemate at maging kay kuya.

Isang inspiration si Priscilla sa mga taong minamaliit ang sarili dahil sa kanilang taglay na kakulangan.

Angel Locsin, Nasapawan na daw ni KC at Valerie?


Hindi ako naniniwala na pinababayaan ng Kapamilya network si Angel. Nagkataon lang na may pelikula ngayon si Valerie at si KC naman ay may special month long birthday drama presentation kayat visible sila sa mga tv show ng channel 2 to promote it. Di ba ganun din naman si Angel nun nag-p-promote pa lang siya ng "Lobo"?

Ang ganda ng istorya ng "Lobo" noh', at kitang-kita ang galing ni Angel sa pag-arte. At naniniwala ako na marami pang naka line-up na project si Angel sa Kapamilya network.

Sa aking pananaw, ang kulang lang kasi e hindi gaano nahasa si Angel sa hosting. E di sana puede din siyang ilagay sa ASAP o sa iba pang variety show ng abs.

Di gaya ng ibang talents ng star magic na trained sa dancing, hosting and acting, kayat kahit walang soap opera very visible naman sa ibang show....Iba kasi and workshop ng Kapamilya kahit mga bata pa lang kitang kita na ang talent.

Wednesday, March 26, 2008

A Petition For Eric & Sarah on Maalaala Mo Kaya?

Well, why not di ba?


Madalas ko na silang napapanood na mag-duet at maganda ang blending ng boses nilang dalawa, pero gusto ko rin silang makita na magkapareha sa isang drama episode sa TV.



So Go ako diyan!

Kaya kung gusto nyo rin, click this link to sign:

Tuesday, March 25, 2008

Ellen DeGeneres, Bilib na naman sa Pinoy!!!

Muling nagpakita ng paghanga ang talk show host sa talento ng pinoy sa kanyang Ellen DeGeneres Show.
Si Arnel Pineda, dating vocalista ng bandang The Zoo na ngayon ay ang bagong lead singer ng American band na 'Journey'. Na discover ang angking galing sa pagkanta ni Arnel nang mapanood ng isang miembro ng Journey ang video niya sa You Tube. Imagine, nakatagpo ba naman siya ng halos kaboses ng dati nilang lead singer. Kaya ayun hindi na siya nag dalawang isip na kumbinsihin si Arnel na mag audition para sa banda nila.
Ang galing diba? Nakaka overwhelm, ang sarap talagang maging pinoy pag may mga kababayan tayong nabibigyan honor sa ibang bansa.



Para i-check ang latest news about Arnel Pineda & the Journey, eto ang kanilang website: http://www.journeymusic.com/

Monday, March 24, 2008

PAPAYA DANCE....Pang-International na!

Akalain mo yun, ang Papaya Dance ni Chairman Edu Manzano umaabot na sa Amerika.
Na feature ito nuong March 21 episode ng Good Morning America, kung saan nagpakita sila ng video ng mga batang pilipino at mga grupo ng army na nagsasayaw ng Papaya.
At take note, pati ang mga anchor ng american show na ito e nakisabay na rin sa pinausong sayaw ni Chairman.




Iba talaga ang pinoy...conquering the world through YOU TUBE!

Sunday, March 23, 2008

PINOY BIG BROTHER TEEN EDITION PLUS...Simula Na!!

My long wait is uber!!!...Yehey! May Pinoy Big Brother na naman.
Iba talaga pag nasanay ka na naririnig mo ang boses ni Big Brother gabi-gabi, kaya sa tuwing natatapos ang season ng Big Brother hirap na hirap ako na mag-adjust... kasi para akong iniwan ng kasama ko sa bahay.
Pero kanina nagsimula na ang bagong season ng PINOY BIG BROTHER TEEN EDITION. Ang lakas ng dating ng mga boylets, mestiso gwapito ever!... At ang mga girlita, infairness mga cute sila.
So, eto na ang list ng mga bagong housemate ni kuya....
1. KEVIN - ang spanish stallion ng Madrid
2. NICOLE - ang in-chick ng Cebu
3. EJAY - ang promdi hottie ng Mindoro
4. LINDA - ang bikini babe ng Iriga
5. NAN - ang junior kenkoy ng Davao
6. RONA - ang prisoners daughter ng Dumaguete
7. ALEX - ang italian valentino ng Milan
8. JERIEL - ang bubbly girl ng Davao
9. JOLAS - ang gentle giant ng Bulacan
10. BEAUTY - ang rebellious beauty ng Dumaguete
11. VALERIE - ang dazzling doll ng Germany
12. PRICILLA - ang deaf dreamer ng Davao
Opps... at ang isa pa sa mga "PLUS" na supresa ni kuya bukod sa bagong host na si Luis Manzano ay ang pagpasok ng dalawang additional housemate,
13. ROBI - ng Ateneo at si 14. JOSEF - ng Dela Salle
Ang dalawang housemate na ito na mula sa Manila ay may naka assign na task mula kay kuya. At ang task daw na ito ay may malaking na impact sa mga bagong housemate, hmmm ano kaya ang task na ito?
Another "PLUS" ni kuya ...aba eh magkakaroon ata ng mga bagong kapitbahay ang mga bagong housemate..Sino-sino kaya sila?..Hay naku, nakakasabik tuloy panoorin bukas!

Monday, March 17, 2008

PANALO NA NAMAN SI PACQUIAO!!!

Ang galing talaga ni Manny, nagbigay na naman siya ng karangalan sa bansang Pilipinas....Pero naging maganda sanang panoorin ang laban kung ang abs-cbn ang naghatid ng coverage. Iba kasi ang preparasyon pag ang kapamilya ang nag cover. Talagang grabecious ang pag hahanda bago at pagkatapos ng laban, mararamdaman mo talaga ang sobrang excitement at tuwa.

Maski pag katapos ng laban hindi ka mabibitin, siksik na siksik sa pakikibalita ng direkso kay Manny tungkol sa katatapos niyang laban.....e sa kabila....hay naku, pakialam ko ba kay Marimar, e tapos na istorya niya no'....Pati yun live interview with Manny thru telephone lang?...Pero nun sa kapamilya pa,live tv coverage makikita mo talaga yun pagdiriwag nila Manny kasama ang mga kapamilya at kaibigan niya sa hotel na tinutuluyan niya.

Isa lang masasabi ko...iba talagang magbigay pugay ang kapamilya sa mga bayaning nagbibigay karangalan sa ating bansa....ginagastusan talaga at pinaghahandaan ng mabuti!...Well, ang importante na lang e nanalo si Manny.